Wednesday, May 14, 2008

hayaan mo na.


found this masterpiece by an amateur poet
in the most unexpected place.
the first time i read it, it made me choke.
yeah. it did strike a chord.

i just think it's lovely.

hayaan mo na ang saranggola

sabi mo, paliliparin nating dalawa ang saranggola.

hawak ko ang kapirasong kahoy kung saan nag mumula ang pisi ng ating gawa.
samantalang pinili mong dalhin ang saranggola sa malayo,
at nangakong bibitawan mo sa panahong sapat na ang hanging magdadala nito paitaas.

sabi mo, paliliparin nating dalawa ang saranggola.

halos maubos na ang rolyo ng pisi at halos hindi na kita matanaw.

ako ay naiwan at umaasang sa tamang dampi ng hangin,
hihigpit ang kapit ng pisi at bahagya mong iaangat ang saranggola.

akala ko, na sa ating dalawa ang pangarap na mapalipad ang saranggola.
nanatili ako at naghintay sa iyo, para sabay nating masilayan ang tagumpay.

sabi mo, paliliparin natin ang saranggola.

lumipas na ang hangin na magdadala sana ng ating saranggola sa langit.
mahigpit na ang pisi na tanging nagdurugtong sa ating dalawa.
sabi mo paliliparin natin ang saranggola, pero bakit ayaw mong pakawalan ito?
ihintayin mo bang maputol ang hiblang tanging nag uugnay sa atin?

hayaan mo na. hayaan mo na.


No comments: